My Number Zero Fan: Track 7

Nakapasok siya sa ikalawang bahagi ng kompetisyon. Ilang bahagi na lamang at siguradong sa huling labanan ko na siya makikita. Sabi ko na nga ba kakayanin niya. Kaya niya talaga ipadama sa mga tao ang musika niya. Katulad ng nadama ko mula sa kanya.

Gusto ko siyang lapitan at batiin. Kaso nga lang, wala  naman akong dalang kahit ano, kahit bulaklak man lang. Nagmamadali kasi akong umalis galing sa trabaho para pumuslit dito. Wala naman kasi talaga dapat ako dito. Sigurado ako at nagwawala na si manager kakahanap sa’kin at kasama pa niya mga kabanda ko. Puro na nga sila tawag at mensahe. Mamaya ko nalang sila kokontakin at paalis na din naman ako.

“Ui~ Diba kamukha ni Jamil yun?”

“Oo nga noh! Yung galing sa Love Operation na banda, noh?”

“Tara papicture tau! Daliiiii!”

Sy*t naman. Mukhang may makakakilala sa’kin dito kahit medyo konti lang yung tao. Kailangan ko na talagang makaalis agad.

“Sir, manlilibre kayo?”

Habang mabilis na naglalakad palayo ay isang pamilyar na boses ang aking narinig.

“Oo naman! Nakasali ka sa ikalawang bahagi ng kompetisyon! Kailangan magdiwang tayo!”

Napakalandi naman ng gurong iyon aba! At isa pa tong fan girl na to. Makakatikim talaga to sa’kin.

“Saglit lang… Sasagutin ko lang ‘tong tawag.”

“Ehem… Alam naman namin kay jowawit mo yan. Malay mo nandito pala siya! Ayiiiii~”

“Ssshh! Tumahimik na nga kayo. Antayin niyo nalang ako dun sa harapan.”

“Tara na sir… baka langgamin tayo dyan!”

Matapos ang ilang pag-ring ng celpon niya at sa wakas! Sinagot na niya ito! Talaga namang ako pa ang pinaghintay nitong babaeng to aba!

“Hmm?”

“Oi ikaw ha! ‘Wag kang didikit dun sa Dumlao na yun.”

“Ha? Anu bang sinasabi mo? Saka bakit ka napatawag? Tapos na ba trabaho niyo? Kamusta? Nasaan ka?”

“Sabi ko sa’yo wag kang lalapit sa Dumlao na yun!”

“Nakakabasa ka ba ng utak o kung ano man? Huwag ka ngang mag-alala diyan. Kasama ko mga kaibigan ko saka ililibre lang niya kami.”

“Ah basta. Umuwi ka na pagkatapos ng paligsahan at baka gabihin ka pa kapag nagpalibre pa kayo. Ako nalang manlilibre sa’yo. Saan mo ba gusto, ha?”

“Sobra ka naman magselos. Alas dose palang ng tanghali! Pero eto na po, magpapaalam lang ako sa mga kaibigan ko at uuwi na po ako, Mr. Seloso. Ingat ka diyan.”

“Umuwi ka na ha. Tatawagan kita mamaya. Saka nga pala fan girl... Natutuwa akong nanalo ka.

Ayos! Pagkababang-pagkababa ko ng telepono ay nagsimula na ulit ako maglakad. Babalik na ako sa agency. Medyo binaba ko pa yung sumbrero na suot ko para hindi mahalata ang balat-kayo ko. Ngunit, bago ako tuluyang makalabas ng gusali ay sumulyap muna ako sa kinaroroonan ni fan girl. Napapangiti nalang ako habang iniisip kung bakit ba naging nobya ko ang isang crazy fan girl na tulad niya. Tumatalon talon pa siya sa sobrang saya.

Subalit, kung mamalasin ka nga naman, palabas na ako ng gusali at—–

“Si Jamil!!!!!!!!!!!!!!!!”

Nakakita ako ng samu’t saring ilaw mula sa mga kamera at naramdaman kong may bigla nalang humablot sa braso ko. Nakasakay kami agad sa isang sasakyan at doon ay nakita ko ang nanggagalaiting tingin ni manager mula sa salaming nasa harap ng sasakyan. Sa tabi ko ay si Domz na hindi nagsasalita. Siya yung humigit sa’kin mula sa mga reporters, paparazzi at fans na nakatambay sa labas pala sa labas ng gusali.

Tiningnan ko ang celpon ko. Yung mga tawag at mensahe ay halo-halo na. Biglang tumunog ang celpon ko. May mensahe si fan girl.

“Okay ka lang? Nasaan ka ba talaga?”

Anu pa bang inaasahan niyo? Malamang naudlot ang trabaho namin at pinagalitan ako ni manager. Hindi ko siya masisisi. Lumabas agad sa lahat ng sulok ng medya ang nangyari kanina. May nobya na daw ako at nandun kami sa gusaling iyon upang magkita. Usapan din sa internet na nagwawala na daw yung ibang fans at inaalam kung sino yung babae. Ang pinakamalala siguro ay may mga nagbabanta sa buhay ni fan girl. Hindi ako makalusot sa mga paratang at nanghihina ako habang iniisip ko ang ginagawa ni fan girl sa mga oras na ito. Malaki ang pasasalamat ko kina manager at inalis agad nila ako sa eksena pero may parte din sa’king naiinis… Sa sarili ko.

“.. siya o ang trabaho mo?”

Sy*t! Kailangan ko ba talagang mamili sa pagitan ng dalawang mahalaga sa aking buhay?! Hindi ito sumagi sa isip ko nung nagtapat ako kay fan girl. Problema ba nila sa isang musikero na may karelasyon?

Naiwan ako sa isang silid na tulala. Mahigpit ang kapit ko sa celpon ko. Kailangan kong makausap si fan girl. At, sa huling pagkakataon daw. Napasandal nalang ako mula sa kinauupuan ko at napapikit. Ayoko munang mag-isip pero wala akong magagawa kung hindi ang mag-isip.

“Ano bang nangyari sa’yo? Bakit ka naman nagpahuli tol?”

Pumasok ang mga kabanda ko sa silid na kinalalagyan ko. Kanya-kanya kami ng pwesto. Si Domz nasa harap ko, nakatayo, si Ryo sumandal lang sa may pinto at si Nathan umupo sa kanang tabi ko. Si Domz yung nagtanong kung bakit ako nagpahuli. Nakuha pang magbiro, diba?  Pero seryoso yang mga yan.

“Natamaan ka kasi sa babaeng yan, diba?”

Tama nga si Nathan. Eto ang unang pagkakataon na may babaeng pumukaw ng aking pansin. Kaya naman hindi ko talaga alam ang gagawin. At, alam naman nilang mahalaga sa’kin ang dalawang pinagpipilian ko.

“Kausapin mo yang nobya mo. Alam mo kung gaano kahirap sa trabaho natin at alam kong alam niya yun… Lalo na kung gaano nakakatakot ang mga fans.”

Biglang upo ni Domz sa kaliwa ko at sabay akbay sa balikat ko. Alam kong batid din nila ang hirap ng pinagdaraanan ko. Ito kasi yung isa sa mga kailangang pag-isipan ng mga nasa trabahong ito. Puhunan namin ang fans at kailangan paligayahin namin sila. Kapag nawala sila, wala din ang trabaho namin. Ano ba ang dapat kong gawin? Makipaghiwalay dahil lamang sa trabaho ko? Ayaw ko naman ng ganoon nalang…

“Hanggang kailan niyo ba kayang mag-hintay para sa isa’t isa?”

Napatingin  ako kay Ryo na hindi naman tumitingin samin. Sy*t. Tinamaan ako sa sinabi niya. Ibig sabihin niya kaya ay makipaghiwalay ako pero antayin namin ang bawat isa kung kailan pwede na kami? Kakayanin ko ba ang mga panahong hindi kami maaaring magsama? Madaming bumabagabag sa isipan ko. Lalo na yung mga ginagawa ng fans at paparazzi. At saka yung eksena na maari siyang mapunta sa ibang lalaki kapag wala ako sa tabi niya. Maaaring mapagod siya sa kakahintay at piliinang iba. Yun sa lahat ang pinakamasakit sa ulo.

“Kung ano man ang mapagdesisyunan niyo. Suportado namin kayo.”

Ramdam ko ang suporta ng buong grupo kahit na si Ryo lang yung maayos magbigay ng payo.

“Tol kasi. Okay lang sa’kin yan basta sa susunod huwag mo na akong pasugudin sa paparazzi ha! Ang bading nating tingnan”, ika ni Domz.

“Hiramin mo nalang kasi yung motor ko para madali kang makatakas at makapagtago”, bitiw naman ni Nathan.

Kaya hindi ko na din naiwasan magbitiw ng mga katagang… “Kayo talaga… Mahal na mahal niyo ako.”

“Sira ulo! Tara na nga at may trabaho ulit tayo! Tawagan mo yang nobya mo ha at alam mong malapit nang kunin ni manager yang celpon mo! Huwag kang makikigamit ng amin!”

Nauna silang lumabas ng silid. Ilang araw akong ikukulong ni manager sa mata ng publiko kaya sa huling pagkakataon bago mangyari iyon aynag-iwan ako ng mensahe sa kanya. Para na din makapag-isip-isip kaming dalawa. Alam ko ang sama kong nilalang dahil ayaw ko siyang pakawalan pero kahit sa sandaling ito… Pagbigyan niyo sana ako.Hhamunin ko maging ang tadhana at kapalaran namin para sa tsansang ito.

“Hintayin mo ako sa silid pangmusika tulad ng dati.”

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s