Ang Alamat ng Isang Mahikero: Kabanata 16

Kabanata 16: Ang pagbabalik-tanaw na parang piniratang pelikula

Narasyon:

Ang nakaraan… nagtungo ang ating mga bida sa opisina ng mga mangangalakal. Doon ay nakilala nila sina Rayovok at ang matandang si Lexard. Dahil kay Lexard, nadagdagan ang mga katanungan ni Zephyr patungkol sa kanyang ama at kanilang pinagmulan. Ibinilin ni Lexard na kapag may kakaibang bato sina Zephyr na Makita o makuha sa kanilang paglalakbay ay ipatingin muna sa kanya.

Lugar: Sa isang kalsada sa bayan ng “K”.

Eksena: Naglalakad ang ating mga bida kasama si Rayovok patungo sa bahay-tulugan ng kanyang mapapangasawa.

Kashir: Hoy. Hindi mo nababanggit na malapit ka na palang ikasal.

Rayovok: Sasabihin ko naman kapag kasal na kami.

Kashir: Huwaw! Ayaw mo lang ata akong imbitahan sa inyong kasal. Ganyanan tayo! Tapusin na natin ang pagkakaibigang ito!

Rayovok: Hindi ka na mabiro Kashir. Alam mo namang hindi ako mayaman kaya naman, nag-iipon pa din kami ng pampakasal namin. Matagal-tagal pa ang kasalan.

Zephyr: Tama ang inyong desisyon. Mahirap nga namang pumasok sa buhay may pamilya ng walang salapi.

Binatukan ni Kashir si Zephyr.

Kashir: Akala mo kung sinong matandang may pinagdaanang kung ano!

Rayovok: Tama na ‘yan. Nandito na pala tayo.

Pumasok sa isang gusali si Rayovok. Tiningnan muna nila Kashir at Zephyr ang itsura ng gusali. Mukha naman itong matino. Tama lamang sa mga dayuhan na walang gaanong salapi. Pagkapasok nila sa nasabing gusali ay nakita nila si Rayovok na may kasaup na dilag sa may harapan. At, napansin din nila na medyo marami ang kumakain at nag-iinuman sa naturang kainan ng bahay-tulugan.

Rayovok: Emilia, sila nga pala ay inimbitahan kong tumuloy dito. Naghahanap sila ng pansamantalang matitigilan. ‘Wag kang mag-alala, magbabayad ang mga ‘yan.

Napangiti ang dilag na kausap ni Rayovok. Balingkinitan ang katawan ng nasabing dilag. Nakasuot ito ng simpleng palda at pang-itaas na damit. Siya si Emilia. Ang mapapangasawa ni Rayovok.

Emilia: Mga kaibigan ba kayo ni Rayovok?

Kashir: Matagal na akong kaibigan ni Rayovok. Kashir ang aking ngalan. Magkasama kami sa organisasyon. Ito nga pala si Zephyr. Siya naman ay kababayan ko.

Maya-maya pa ay napansin nilang nanlisik ang mga mata ni Emilia. Dahilan ito upang manayo ang mga balahibo nila sa batok.

Emilia: Ganoon ba? Siguraduhin niyo lang na magbabayad kayo. Hindi ko kayo patatakasin kahit pa kaibigan kayo ni Rayovok. Maliwanag?

Napatungo nalang ang ating mga bida at napalunok ng laway. Nakangiti naman si Rayovok sa kanila. Maya-maya pa ay nag-paalam si Emilia sa kanila upang asikasuhin ang iba pang mamimili.

Kashir: Walangya ka Rayovok! Kung alam ko lang, sa iba na kami tutuloy!

Rayovok: Hahahaha! Nagbibiro lamang si Emilia. Pero magbabayad kayo ha? Makakatikim talaga ang mga tumakas.

Zephyr: Nako. Si Kashir lang ang malalagot.

Rayovok: Kahit gaano ka pa kagaling manggantso Kashir, wala kang takas dito.

Kashir: Siya, nais ko sanang kumain ngunit puno ang kainan. Pwede bang dalhin nalang sa kwarto ang makakain namin? Saka, ihatid mo na din kami sa tutulugan namin.

At inihatid na nga sina Zephyr ni Rayovok sa kanilang magiging kwarto. Kasama nito ay sa kwarto na din sila kumain ng hapunan.

Zephyr: Bukas na bukas din, hanapin na natin ang impormante at may itatanong ako.

Kashir: Anong itatanong mo? Pag-isipan mong mabuti kasi baka mamaya ay isa lang pala ang pwede nating itanong!

Zephyr: Bayaran mo nalang siya kung may idadagdag ako!

Kashir: Hindi ba’t nagtitipid tayo!?

Zephyr: Teka, Kashir. Hindi ba’t alam na alam mo na ang bayang ito? Bakit parang hindi mo pa naririnig ‘yung taong sinasabi ni manong?

Kashir: Una sa lahat, hindi ko alam ang lahat ng bagay sa mundo. Kung alam ko, sana hindi na tayo namomoblema at sana ako na ang pinakabida sa istoryang ito. Pangalawa, marahil isang manlalakbay ang impormante ni manong. Hindi talaga siya taga-bayang ito. Pero, kung ano man, malalaman natin bukas. Maigi pa at matulog na tayo.

Zephyr: Kung sa bagay.

Humiga na si Kashir sa kanyang kama habang si Zephyr ay kinuha ang kwintas na ibinigay ng kanyang ama mula sa kanyang kagamitan. Matapos niyang titigan ito ay kanya itong isinuot. Inilabas din niya ang libro ng kanyang ama.

Sinubukan ni Zephyr na buksan ang nasabig libro ngunit, hindi niya makaya.

Zephyr: Hanggang ngayon… hindi ko pa din siya mabuksan.

Kashir: Anong problema ng librong ‘yan?

Biglang nagsalita si Kashir. Nakahiga siya habang nakaharap kay Zephyr. Balot na balot siya ng kanyang kumot at tila ba’t para siyang uod sa pagkakabalot.

Zephyr: Hindi ko din alam. Nakikita ko noon na binabasa ito ni ama. Kahit kalian, hindi ko pa nakikita ang laman nito. Hindi naman gumagamit si ama ng kung ano para buksan ito.

Kashir: Subukan mo kayang lagyan ng mahika?

Zephyr: Anong mahika? Limitado lamang ang alam ko.

Kashir: Hindi ba, sa mga istorya, may parang pag-agos ang mahika sa katawan ng tao tapos ginagawa nila, pinapaagos ito mula sa tao papunta sa isang bagay? Parang sinasalin na tubig. Ganon!

Zephyr: Madaling sabihin, mahirap gawin.

Kashir: Subukan mo lang! Malay mo! Pakiramdaman mo ‘yung agos ng mahika sa katawan mo tapos padaluyin mo papunta sa libro. Dali-dali!

Zephyr: ‘Wag ka ngang sabik!

Pagkalipas ng isang oras ay wala pa ring nangyayari.

Zephyr: Wala akong maramdaman.

Kashir: Bulok ka naman! Paano ka ba gumagamit ng mahika? Ha?

Balik-tanaw sa Kabanata 3.

Kashir: Wala akong nababalitaang nilalang na hindi gumagamit ng bato para sa mahika. WALANG-WALA. Paano mo nagagawa iyon?

Zephyr: Ang turo lang sa akin ni itay ay isipin ko ang gusto kong mangyari o gawin at sa pagkumpas ng kamay ko, magkakatotoo ito. Pero, hindi sa lahat ng pagkakataon dahil hindi ako kasing galing ng tatay ko. Madami pa akong hindi alam. Madami pa akong kailangang matutunan.

Kashir: Nararapat nga lang na ika’y maglakbay. Mas lalawak ang kaalaman mo.

Balik sa kasalukuyan.

Zephyr: Ikaw talaga naghikayat sa’kin maglakbay.

Kashir: Tsk. Mabuti sana kung may makilala tayong guro tapos tuturuan ka niya tapos lahat ng aaway sa’yo, aawayin din niya para masaya!

Zephyr: Tumigil ka nga sa kakabasa ng ibang istorya!

Kashir: Walang halong biro. Paano ka nakakagamit ng mahika? Talagang iniisip mo lang? Ano ba ang itinuro sa’yo? Alalahanin mo kaya!

Zephyr: Alam ko na!!!

Kashir: Ano!?

Zephyr: Matulog na muna tayo. Pagod na ako. Napagod ako sa pag-iisip.

Sabay humiga na din si Zephyr sa kanyang kama at tumalikod ay Kashir.

Kashir: Sabi ko na nga ba. Kaya talagang kailangan ang karakter ko sa istoryang ito. Kailangan ng nag-iisip eh!

Zephyr: zzzzzZZzzzZZZZ

Kashir: Alam mo Zephyr, bastos ka! Wala kang respeto sa taga-pag-isip mo! Tseh!

At tumalikod na din si Kashir kay Zephyr. Lingid sa kanyang kaalaman, hindi pa tulog si Zephyr. Nais lamang niyang alalahanin ng tahimik ang mga ala-ala niya kasama ng kanyang ama. Baka sakaling, may matandaan siya na nakalimutan niya.

Tatay ni Zephyr: Anak… Tandaan mo… Upang makagamit ka ng mahika… jagfaigdfisghihdsgfihagdfhsgfwkeiueyidandjhadgqdgjadihaj

Napaluha si Zephyr sa kanyang naalala.

Zephyr: Bakit naman ganoon ang pagbabalik-tanaw ko? Bakit parang piniratang pelikula. Hindi maintindihan. Napuputol. Ano ba ‘to!

Sa kakaisip ni Zephyr ay tuluyan ng hindi nakayanan ng kanyang utak ang pag-iisip at ito’y namatay na. Sa makatuwid, nakatulog na ang ating bida. Sa wakas. Yey. Abangan ang susunod na kabanata!


Nakaraang Kabanata: Ang Alamat ng Isang Mahikero: Kabanata 15

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s