Ang Alamat ng Isang Mahikero: Kabanata 17

Kabanata 17: Ang “luha ng engkantada”…

Narasyon:

Ang nakaraan… nagtungo ang ating mga bida sa bahay-tulugan na pagmamay-ari ng mapapangasawa ni Rayovok. Dito ay nakilala nila ang nakakatakot na si Emilia. Dito din ay napaisip sila kung paano mabubuksan ni Zephyr ang librong iniwan sa kanya ng kanyang ama at kung paano nga ba nakakagamit ng mahika si Zephyr.

Lugar: Sa isang kalsada sa bayan ng “K”

Eksena: Maagang naglalakad an gating mga bida upang mahanap ang impormante na sinasabi ni tatang sa Kabanata 13.

Zephyr: Malayo pa ba tayo Kashir?

Kashir: ‘Wag mo kong kausapin!

Zephyr: Aba! Palibhasa natakot ka kay Emilia! Tigilan mo na kasi ang pag-iisip na makakalibre ka. O baka gusto mo ding habulin ka ng itak nun. Bahala ka sa buhay mo. Basta ako, makakatakas ako.

Kashir: Wala kang kwentang kaibigan! Hindi mo man lang ako tutulungan!

Zephyr: May pera ka naman! Tumigil ka dyan! Saka, ang importante ngayon, saan na ba ung impormante ni tatang?

Kashir: Hindi ka ba nasabihan na mamayang gabi pa siya makikita?

Zephyr: Ha?!

Kashir: Paulit-ulit? Maigi pa ay mag-libot muna tayo dito sa bayan. Tamang-tama at maraming tinda ngayon.

Zephyr: Bakit parang wala sa iskrip na gabi pa lilitaw ‘yung impormante?

Kashir: Huli ka kasing nagising! Binago kanina ‘yung iskrip.

Zephyr: Teka, kailangan kong mag-reklamo!

Kashir: Tumigil ka na diyan sa pag-iinarte. Ikaw pa rin ang pinakabida. Tara na at mag-libot!

Zephyr: Maglilibot talaga tayo? Eh hindi ba, mapapagastos ka lang pag ganon?

Kashir: Una sa lahat, mangangalakal ako, Zephyr. Kailangan ko ding bumili nga ialang kagamitan upang dalhin sa ating paglalakbay para maibenta! Ano ka ba!

Zephyr: Sige na. ‘Wag ka na magsalita. Wala naman akong maiintindihan. Hahaha!

At dahil dito, naglibut-libot ang ating mga bida. Nagtitingin-tingin sila sa mga tindahan. Tamang-tama naman at may kaganapan sa bayan ng “K”. Sumakto sila sa araw kung saan maraming tindahan, nagbebentahan, at nagpapalitan sa isang parte ng bayan. Nagaganap ito isang beses sa isang linggo dahil dumadagsa ang mga mangangalakal at mamimili.

Kashir: Zephyr. ‘Wag kang lalayo sa tabi ko. Mahirap na at baka—-

Napansin ni Kashir na wala na sa kanyang tabi ang kasamang bata este binata. Si Zephyr ay kasalukuyang abala sa pagtitingin-tingin at pagkamangha sa mga bagay na kanyang nakikita… na naman.

Zephyr: Manong, ano ho ‘yang mga tinda niyo?

Matandang nagbebenta: May mga mahiwagang bato, alahas, palamuti, at mga sandata. Iba-iba. May hinahanap ka bang parikular na bagay?

Zephyr: ‘Yang mga palamuti niyo may mga mahiwagang bato din ‘yan?

Matandang nagbebenta: Meron ‘yung iba.

Zephyr: Eh ‘yung mga sandata niyo? ‘Yang parang kutsilyo?

Matandang nagbebenta: Meron ding mahiwagang bato ‘yung iba. Teka nga iho, ano bang hinahanap mo?

Zephyr: Ah. Wala naman ho. Nagtitingin lang po ako.

Matandang nagbebenta: Lumayas ka na nga sa harap ko! Istorbo ka sa pagbebenta ko! Baka mamaya malas ka pa eh!

Zephyr: Sungit niyo naman. Nagtatanong lamang ako. ‘Wag sana kayong makabenta aba!

Patuloy lamang sa pagtitingin si Zephyr ng mapansin niya ang isang matandang tila ba ay walang paki sa mundo. Mayroon itong mga kagamitan na nakalatag sa kanyang harapan. Hindi nakaayos ang mga kagamitan na ito at tila ba’y mga basura na lamang ang mga ito na nakatambak sa daanan.

Sa pagka-irita ni Zephyr sa kanyang nakita ay inayos niya ang tinda ng matanda habang nagtitingin na din siya kung ano ba ang mga ito.

Zephyr: Ano bang ‘tong mga ‘to? Parang mga luma na at kailangan ng itapon.

Matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit: Bata. Minsan, kung alin pa ‘yung mukhang patapon, ‘yun pa ang kakaiba, malakas at makapangyarihan.

Zephyr: Bakit tatang? Saan niyo ba nakuha ang mga ito? Saka alam niyo ba ang mga ito?

Matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit: ‘Yung iba.

Zephyr: Teka tatang, mas kakaiba ba ang mga ito sa “luha ng engkantada”?

Dahil sa sinabi ni Zephyr ay biglang napamulat ang mga mata ng matanda.

Matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit: Anong alam mo sa batong iyon?

Zephyr: Narinig ko lang po kahapon. Pero bukod sa pangalan at pagiging kakaiba, wala na ho akong alam.

Matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit: Tsk. Kung wala kang alam ay mabuti pang umalis ka na bata.

Zephyr: Matapos kong ayusin ang paninda niyo?

Matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit: Hahahaha! Hindi ko naman pinaayos sa’yo. Pero sige, dahil nababagot na din ako ay maigi pang bayaran kita ng impormasyon.

Zephyr: Anong impormasyon tatang? Baka naman walang kwenta ‘yan?

Matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit:  Ang “luha ng engkantada” ay isang mahiwagang baton a walang limitasyon sa mahikang maibibigay nito.

Zephyr: Alam ko na din ‘yan tatang eh!

Matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit: Pambihira. Akala ko ba bukod sa pangalan, wala ka ng ibang alam sa batong iyon?

Zephyr: Syempre, isinama na ang impormasyong iyon kahapon sa kwentuhan.

Matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit:  Sige, sige, iba nalang. Kahit anong libro ang mabasa mong may patungkol sa batong iyon ay wala kang makikitang impormasyon bukod sa pangalan nito. Ito ay dahil sa may kung anong nagbura ng lahat ng impormasyon na iyon. Tila ba’t sinadyang burahin ng tadhana ang kung ano mang tungkol sa batong iyon. Pero, ang kwento sa likod ng batong iyon ay—-

Kashir: Hoy Zephyr! Kanina pa kitang hinahanap! Ano ka ba’t sinabi ko nan gang ‘wag kang lalayo sa’kin! Baka mamaya, nagantso ka nan g kung sino diyan!

Biglang namang lumitaw si Kashir sa kung saan bago pa man mabitawan ng matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit ang tungkol sa mahiwagang “luha ng engkantada”.

Zephyr: Teka tatang! Anong kwento!?

Matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit: Sinabi ko na, nasapawan lang ng dayalogo ng kasama mo.

Zephyr: Ha?! Naikwento mo na aagad sa ikli ng sinabi niya?! Teka lang ho! Ang bastos lang! Sabihin niyo ulit!

Matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit:  Wala ng ulitan! Kung hindi ka bibili eh umalis ka na dito.

Sinakal naman ni Zephyr si Kashir sapagkat nabitin siya sa istorya ng matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit at dahil mahalagang impormasyon ang kanyang makukuha na maaaring makatulong sa kanyang mga katanungan.

Kashir: Maaaaag hunuuuuus diiiiliii kaaaa ngaaaaa.

Itinigil ni Zephyr ang pananakal kay Kashir at napaubo naman si Kashir.

Zephyr: Ang ganda naman kasi ng pagpasok mo sa eksena! Pambihira!

Maya-maya pa ay nilapitan ni Kashir ang matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit at may sinabi ito na hindi narinig ni Zephyr.

Matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit: Kayo pala ang mga kaibigan ni Ronaldo. Sige, tulungan niyo akong magtinda para naman maaga akong makauwi at makapag-usap na din tayo.

Zephyr: Kayo ho ang impormnte ni tatang sa Kabanata 13?!

Matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit: Hindi ko alam ang kabanatang nilabasan niya pero ang pangalan nung matandang may alagang hayop ay Rolando. Kaibigan ko ‘yun!

Kashir: Akala ko mamayang gabi pa naming kayo makikita. Taga-benta din pala kayo dito.

Matandang nakapikit na nagbebenta ng gamit: Tama na ang satsat. Tulungan niyo na akong magbenta ng magkasilbi naman kayo dito!


Nakaraang Kabanata: Ang Alamat ng Isang Mahikero: Kabanata 16

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s